University of Cebu, Philippines

Buong Pangalan sa Pambansang Wika | University of Cebu |
Acronym | UC |
Website | uc.edu.ph |
Tagapangulo ng Proyekto’ng Institusyunal | Christina Marie H. Gomos |
teena_hernaez@yahoo.com | |
Telephone | (63) (32) 231-8617; (63)(32) 9176238552 |
Ang University of Cebu ay isang institusyong pang-edukasyon sa lungsod ng Cebu ng bansang Pilipinas na itinatag noong 1964 ni Atty. Augusto W. Go. Ito ay mayroong humigit kumulang 58,000 na mga mag-aaral mula pre-school hanggang post graduate. Ang University of Cebu ay may limang kampus na matatagpuan sa iba’t-ibang bahagi ng Cebu: University of Cebu-Main, University of Cebu – Banilad, University of Cebu – Lapu-Lapu Mandaue, University of Cebu – Maritime Education Training Center at ang School of Medicine.
Ang University of Cebu ay tinaguriang pinakamalaking pribadong unibersidad ng bansa. Ito ay isa sa mga nangungunang institusyon na nagsasanay ng mga mag-aaral at lumilikha ng mga topnotchers sa mga Pambansang Pagsusulit para sa kursong Engineering, Maritime Studies, Marine Engineering, Naval Architecture, Nursing, Accounting, Criminology at Customs Administration.
Noong 2012, lima sa sampung topnotchers ng Pambansang Pagsusulit sa kursong Mechanical Engineering ay mga mag-aral galing sa unibersidad. Samantala, ang unibersidad ang pinakabatang Law School ng bansa, dalawang mag-aaral nito ang nasama sa sampung nangunguna sa pagsusulit ng Bar sa magkakasunod-sunod na taon.
Noong 2008, ang University of Cebu ay nakapaglagda ng isang kasunduan sa pagitan ng Norwegian Shipowner’s Association upang turuan ang 900 na mga iskolar galing sa Maritime Education. Ang mga iskolar na ito ay nakakatanggap ng mga pangunahing prebilihiyo tulad ng libreng matrikula sa paaralan, matitirahan, mga aklat at uniporme. Sa kasalukuyan, ang University of Cebu ay mayroong higit isang libong iskolar ng maritime mula lokal at internasyonal na kompanya. Tiyak na magkakaroon ng trabaho pagkatapos ng pag-aaral ang mga nasabing mga iskolar.
Ang University of Cebu ay isa sa mga kinikilalang sampung unibersidad ng bansa na may pinaka-mataas na bilang ng programa na accredited ng Philippine Association of Colleges and Universities-Commission on Accreditation (PACU-COA) noong 2004. Pinarangalan din ito ng ISO at Det Norske Veritas (DNV) ng akreditasyon noong 1998. Ginagampanan ng University of Cebu ang pinakamahalagang bahagi ng bansa sa pagbibigay ng pagkakataon sa mga Pilipinong seafarer na maipagpatuloy ang pagtatrabaho sa international vessels at matitiyak ang patuloy na remittances sa bansa mula overseas. Ang University of Cebu ay isa sa mga kinikilalang #9 Employer’s Most Preferred School ng bansa noong 2018 sa Jobstreet Fresh Graduates Report.
Dean Ofelia G. Maña, Ang Vice-Chancellor for Business Development and Innovation ng University of Cebu. Siya din ang University Linkage Director at Campus Director ng isa sa mga sangay ng unibersidad, ang University of Cebu-Banilad Campus. Si Dean Mana ay nakapagtapos ng Executive Development Program sa Maastricht School of Management, Netherlands. Siya ay nakapagtamo ng masters degree, Masters of Science in Teaching – major in Computer Science ng De la Salle University – Manila, Philippines. Siya din ay naparangalang Cum Laude sa kanyang kurso sa kolehiyo. Siya ay nakapagtapos ng kursong Bachelor of Science in Business Administration ng Siliman University, Dumaguete, Philippines. Sa ngayon, siya ay nakahanay na candidate for Doctor in Organizational Development and Transformation ng Cebu Doctor’s University, Cebu City Philippines.
Dr. Anna Liza B. Son Ang Vice-Chancellor for Academic Affairs for Professional and Technical Education ng University of Cebu. Siya din ang Campus Director ng isa sa mga sangay ng unibersidad, ang University of Cebu-Lapu-Lapu-Mandaue Campus. Siya ay nakapagtapos ng kaniyang pangunahing Doktor ng Edukasyon sa Institutional Planning sa University of Cebu. Siya nakapagtapos din ng Master of Science in Management Engineering sa Unibersidad ng San Jose-Recoletos, Cebu, Philippines at Bachelor of Science in Computer Engineering ng Cebu Institute of Technology-University, Philippines.
Dr. Ulysses B. Aparece Siya ang Vice-Chancellor for Academic for General Education ng University of Cebu. Siya din ang dekano ng College of Arts ng unibersidad.Siya ay nagtapos ng Doctor of Philosophy in Anthropology sa Unibersity of San Carlos, Cebu Philippines. Si Dr. Aparece ay nakapagtapos ng kaniyang Master of Arts in Language and Literature sa De la Salle University at Bachelor of Arts in English sa Southwestern University. Siya ay nakapagtamo ng maraming parangal at pagkilala sa Ingles at Cebuano sa larangan ng Tula, pananaliksik at pampanitikan.
Ms. Christina Marie H. Gomos Siya ay ang Marketing and Linkage Coordinator ng University of Cebu.Siya ay nakapagtapos sa kursong Bachelor of Science in Business Management sa University of the Philippines, Cebu Campus.