Students of 11 higher education institutions from the Kingdom of Bhutan, Cambodia, Malaysia, Thailand and the Philippines are visiting Varna University of Management
Ang mga mag-aaral mula sa labing-isang mas mataas na institusyon ng edukasyon mula sa Malaysia, Thailand, Bhutan, Cambodia at Pilipinas, ay bumibisita sa Varna University of Management.
Ang mga mag-aaral mula sa labing-isang mas mataas na institusyon ng edukasyon mula sa Malaysia, Thailand, Bhutan, Cambodia at Pilipinas, ay bumibisita sa Varna University of Management (VUM) sa Bulgaria. Ang mga nanalo sa FRIENDS Digital Storytelling (DS) contest ng 2022 ay nasa Bulgaria para sa FRIENDS Boot Camp na nagsimula noong Lunes, ika-6 ng Hunyo. Ang mga programang ituturo ay nasa mga larangan ng Pangkalahatang Kultura, Likha at Sining, at Pamamahala ng mga Dakilang Kaganapan.
Ang pangunahing layunin ng proyekto ay ang pagbuo ng pandaigdigang kakayahan ng mga mag-aaral ng mga unibersidad ng mga bansang katuwang, sa pamamagitan ng pagsasama-sama ng mga interkultural na dimensyon sa pormal at impormal na kurikulum ng mga unibersidad.
Ang mga mag-aaral ay nasa VUM hanggang ika-2 ng Hulyo. Bilang karagdagan sa nakahanda na palatuntunan, magkakaroon sila ng pagkakataong tamasahin ang baybayin ng Bulgarian Black Sea at iba’t ibang destinasyong pang tag-init.
Ang pagtikim ng bagong pagkain at lutuin mula sa buong mundo ay laging kasama ng paglalakbay at pakikipag halubilo sa iba’t ibang tao. Sa simula pa lang ng FRIENDS Boot Camp sa VUM, nagkaroon ng pagkakataon ang mga mag-aaral na lumahok sa isang palitan ng meryenda. Ang pagpapalitan ng mga masasarap na pagkain mula sa Pilipinas, Thailand, Malaysia, Cambodia at Bhutan ay isang masayang paraan upang ipagdiwang ang unang linggo ng FRIENDS Boot Camp.