Mga FRIENDS Caravans sa Pilipinas

FRIENDS Caravans na pinangunahan ng Cebu Technological University (CTU) – Abril 26 hanggang ika-28, 2022

Mahigit na 300 ang dumalo sa programang pinangunahan ng Cebu Technological University (CTU) mula sa mga piling pampublikong unibersidad buhat sa Visayas at Mindanao ukol sa sa pagpapalakas ng “interculturalism” bilang mandato ng Erasmus + proyekto ng FRIENDS noong ika-26 ng Abril kung saan 77 ang dumalo,  ika-27 ng Abril kung saan 78 ang dumalo at  ika-28 ng Abril kung saan 214 ang dumalo.   Dumalo si Dr. Ronald Galindo, ang puno ng proyekto at dekano ng CTU Main College of Engineering. Ipinagpatuloy niya ang ilang mga inisyatibong internasyonalisasyon ng CTU na napapatungkol sa mga mag-aaral at mga guro, na umusbong mula pa kay CTU President Rosein Ancheta Jr. noong 2015. Ang “Intercultural passport” or sertipiko ng pagkumpleto ay ipinaparangal sa mga lumahok sa Intercultural Awareness and Cultural Diversity: Massive Online Open Course (IACD MOOC).

Sa kabila ng mga naudlot na plano dahil sa pandemya, ang proyekto ay malugod na tinanggap ng mga mag-aaral at guro ng Mindanao State University-Iligan Institute of Technology, Cebu Normal University, at Northwestern Mindanao College of Science and Technology, na nabigyang ideya na rin sa mga paparating na kaganapan ngayong 2022.

Ang University of Cebu at ang FRIENDS Caravans – Nobyembre 2021

Noong Nobyembre 2022, apat na mga kaganapan ang nakumpleto bilang parte ng “FRIENDS Caravans” sa ilalim ng proyekto na “FRIENDS: Furthering International Relations Capacities and Intercultural Engagement to Nurture Campus Diversity and to Support Internationalisation at Home.” Ang mga programa ay naganap noong ika-15 ng Nobyembre kung saan 78 ang dumalo, ika-18 Nobyembre na may dalawang kaganapan at kabuuang 27 ang dumalo at ang huling FRIENDS Caravan ay nangyari noong Nobyembre 20, 2021, kung saan 89 ang dumalo.
Sa mga nabanggit na programa, ang mga pagbati at pahayag ng pagtanggap at ang FRIENDS Rationale ay tinalakay ni Dean Ofelia G. Mana. Ang pangkalahatang-ideya naman ng FRIENDS IACD MOOC at ang “Intercultural Passport” ay ipinaliwanag ni Ms. Edilyn Lopez, siya rin ay bahagi ng FRIENDS Team sa University of Cebu. Ang mga mag-aaral na nakatanggap ng parangal ng International Passport ay nagbahagi ng kanilang mga karanasan bilang parte ng programa sa apat na mga kaganapan. Bilang karagdagan sa kanilang pagbabahagi, ipinakita rin ang kanilang mga “Digital Stories” sa mga madla. Bilang energizers, kasama rin sa programa ng FRIENDS Caravan ang mga virtual games at trivias. Nagbahagi naman si Ms. Teena Hernaez- Gomoz ng pangwakas na pananalita sa pagtatapos ng programa ng FRIENDS Caravan.

Saint Louis University at ang FRIENDS Caravans – Oktubre, 2022

Sa huling dalawang araw noong Oktubre, 2022, nagsagawa ang Saint Louis University ng apat na online na FRIENDS Caravan. Ang mga pagpupulong, na ginanap noong ika-18 ng Oktubre, ika-19 ng Oktubre, ika-22 ng Oktubre, at ika-26 ng Oktubre, ay umakit ng kabuuang 928 kalahok.
Iniharap ng SLU sa madla ang mga nagawa ng FRIENDS Project hanggang ngayon, kasama ang mga estudyanteng dumalo sa FRIENDS Bootcamp na naglahad ng kanilang kapana-panabik na kuwento ng paglalakbay sa Bulgaria at pakikipagkilala sa mga bagong kaibigan mula sa iba’t ibang bansa. Binigyang-diin din ng mga mag-aaral ang kahalagahan ng Intercultural Passport virtual mode at ang mga benepisyong ibinibigay nito sa pang-araw-araw na buhay. Ang apat na FRIENDS Caravans ng SLU ay bumighani ng mga estudyante mula sa University of Baguio, Kalinga State University, St. Thomas More College, at sa Divine Word College ng Vigan.

 

Comments are closed.