5th Partners’ Meeting at the Silesian University of Technology (Gliwice, Poland) Was a Success

 

Naging matagumpay ang FRIENDS Project 5th Partner meeting na naganap sa Poland. Ang pagpupulong ng HEI mula sa buong mundo na pinamumunuan ng Varna University of Management (VUM) ng Bulgaria ay nagbahagi ng mahusay na pagsusumikap sa pagpapanatili ng kamalayan sa pagitan ng iba’t-ibang kultura, kung saan ito ay naging kapakipakinabang na din sa mga stakeholder.

Sa gitna ng pandemya na nagsilbing foreground ng Erasmus+ FRIENDS Project para sa isang mahalagang bahagi ng timeline nito, hindi natibag ang kumpiyansa at positibong hangarin ng mga kasosyo sa Unibersidad. Ito ay nagpatuloy na sumisigla, sumulong, pinabuti sa kanilang mga nagawa sa pagpapaigti ng Internationalization @ Home at nagkaisa upang lumikha ng isang sustainability plan patungo sa pagkamit ng isang mahusay na marka ng pagganap para sa Erasmus+ capacity building para sa HEI project.

Comments are closed.