Cebu Technological University, Philippines

Buong Pangalan sa Pambansang Wika | Cebu Technological University |
Acronym | CTU |
Website | www.ctu.edu.ph |
Tagapangulo ng Proyekto’ng Institusyunal | Engr. Ronald M. Galindo, OIC Director of the University Internationalization and ASEAN Integration Office |
ranny1562@yahoo.com | |
Telephone | +639228267941 |
CTU, dating Cebu State College of Science and Technology (CSCST), ay binubuo ng siyam na kampo, sa buong Probinsya ng Cebu. Ito ay naging pambansang unibersidad noon Nobyembre 10, 2009 sa pamamagitan ng Saligang Batas Numero 9744. Ang mga kampo ay matatagpu-an sa Cebu City (Main Campus), Argao, Barili, San Francisco, Carmen, Daanbantayan, Danao, Moalboal and Tuburan. Ang Unibersidad ay mayroon’g siyam na kampo at 11 karugtong na mga kampo. Noong Desyembre 16, 2003, upang mai-ganap ang pamantayan at maitayog ang institusyon at buong pamamahala sa edukasyunal na sistema, ang Cebu State College of Science and Technology ay nabigyan ng Sertipiko ng Rehistration ng Anglo-Japanese American (AJA) Registrars Incorporated na naaayon sa ISO 9001:2000 Quality Management System Standards, na may Certification No. AJA 03/6952, pagbibigay rekognisyung pang-internasyunal. Noong Pebrero 7, 2007,ang CSCST ay ginawaran ng AJA Registrars Inc. ng ISO 9001:2000 QMS. Sa kasalukuyan, ang CTU ay mayroong 20 na kampo at humigit 40, 000 na estudyante. Ito ay may sertipikasyin ng ISO 9001:2015 at SUC level IV (pangalawang pinakamataas sa mga pampublikong unibersidad). Ang CTU ay mayroon’g 101 akreditadong programa para sa undergraduate level at 39 para sa graduate level at mayroon’g aktibong mga sentro sa research at extension. Noong December 2018, ang CTU ay isa sa nakatanggap ng Rekognisyon mula sa Commission on Higher
Education sa napakahalaga’ng pagsasanay sa Training on
Internationalization of Higher Education. Kamakailan, ang CTU ay nakatanggap ng sertipiko galing TUV Rheinland Philippines Inc.
Si Engr. RonaldM. Galindo ay ang OIC Director ng Opisina ng Internationalization and ASEAN Integration. Siya ay isang Mechanical Engineer; may dalawang doctorate degrees, Doctor of Public Administration and Doctor of Philosophy in Technology Management. Si ay ginawarang ng isa sa The Outstanding Mechanical Engineer (TOME) noong 2018. Siya ngayon ay nagtatarabaho bilang guro at isa rin siya’ng Associate Dean sa College of Engineering. May karanasan din siya bilang ispikir at dalubhasang tao sa iba’t ibang gawain’g propesyunal sa pamamagitan ng mga propesyunal na organisasyun at akda ng mga pamantasan at siyentipiko’ng publikasyun sa kanyang larangan sa parehong lokal at internasyunal. Bilang OIC Director of the Internationalization and ASEAN Integration, siya ay nagtayo at nag panatili ng propseyunal na kaugnayan sa mga lokal, rehiyunal, nasyunal, at internasyunal na organisasyun at ahensya. Siya rin ay nakikipagtulungan kasama ang mga kinatawan mula sa dayuhang paaralan at organisasyun para mga espesyal na proyekto o programa’ng kinakailangan. Si Engr. Galindo ay lumahok din sa iba’t ibang internasyunal na paglalakbay, kumakatawan sa CTU at tumatanggap ng parangall sa ngalan ng institusyun sa Training on Internationalization of Higher Education.
Si Dr. Edgar U. Tibay R. ay ang Bise-President ng Production, Extension and Business Affairs (PEBA) Siya ay isang propesyunal na Mechanical Engineer at isang Doctor ng Philosophy in Technology Management. Siya ay tinanghal na isa sa mga The Outstanding Mechanical Engineer (TOME) noong 2016. Siya rin ay isang Propesor sa unibersidad. Bilang bise-presidente ng PEBA, siya ay bumubuo at nag rerekomenda ng mga polisiya at programa nauugnay sa tungkulin ng pamantasan, ukol sa produkysun at ekstensyun. Isang masigasig sa larangan ng pananaliksik at naka pag lathala ng research sa iba’t ibang research journals. Si Dr. Tibay ay aktibo sa internasyunalisasyun at nakapaglakbay na upang sa maitaguyod ang mga internasyunal na ugnayan at kolaborasyun. Siya ay inatasan ng Pangulo upang magkaroon ng kolaborasyun sa South Korea, na nagbunga ng pag lagda ng mga Memorandum of Agreement. Si Dr. Tibay ay ginawaran din ng internasyunal na paglalakbay ng Japan International Cooperating Agency upang makilahok sa Executive’s Training in Saitama Prefecture Government sa Japan at lumalawak na unibersidad para sa global na konekysun at kolaborasyun.
Si Doris Ogdoc-Gascon ang Direktor sa Internasyunalisasyun at Integrasyun ng ASEAN ng Unibersidad. Mayroon siya’ng doctorate degree sa Panitikan at Komunikasyun, at isang Associate na Propesor IV sa Unibersidad. Bilang direktor ng Internasyunalisasyun at Integrasyun ng ASEAN ng CTU, siya ang tagapangasiwa sa internasyunal na pakikiupag-ugnayan at kooperasyun.