FRIENDS Tambayan sa Unibersidad ng Cebu

CEBU CITY — Umarangkada ang mga talento at galing ng mga estudyante galing sa Kolehiyo ng Turismo sa paglahok sa pagbubukas ng FRIENDS Tambayan sa ika-6 ng Marso 2020. Sinimulan ang FRIENDS Tambayan noong ika-6 ng Marso 2020 at natapos sa ika-13 ng Marso 2020. Ang FRIENDS Tambayan ay isang aktibidad na layuning pamamahayag iba’t-ibang konseptong pang internasyonal at upang mga mag-aaral ay sumali sa diskursong panlipunang responsibilidad gamit ang sining at kultura. Ito ay isa sa mga kaganapang umayon sa proyekto sa pagitan ng European Union at Unibersidad ng Cebu. Ang proyekto ay pinamagatang, FRIENDS (Furthering International Relations Capacities and Intercultural Engagement to Nurture Campus Diversity and to Support Internationalisation at Home).

Ayon kay Dean Ofelia G. Mana, Bise Tsanselor sa Pagpapaunlad ng at Pagbabago, maagang sinimulan ang pagpaplano ng FRIENDS Tambayan noong Pebrero 2020. Dagdag pa niya, Isa sa nagbibigay importansya sa sining at kultura bilang medyum sa pagkakunawaan ng kapwa-Filipino man o sa mga dayuhan.”

“Malaking bagay na ang mga estudyante nati, lalo na sa Kolehiyo ng Turismo, na makita ang kanilang panlipunang responsibilidad ng mga kabataan gamit ang sining at kultara,” ani ni Bb. Edilyn Lopez, na isang guro sa nasabing kolehiyo.

Tatlong seksyon ang lumahok sa mga kamangha-manghang pagganap at pagpapakitang gilas ng mga exhibits pinakita ang kultura ng iba’t ibang bansang kasali sa FRIENDS tulad ng Bhutan, Bulgaraia, Malaysia atbp.

Dagdag nito, layunin ng unibersidad na hasain ang mga estudyante para mabigyang bisa ang graduate attributes, ayon kay Bb. Teena Hernaez-Gomos, ang coordinator ng nasabing proyekto sa University of Cebu.

 Bilang gantimpala, nagbigay ang UC ng mga SWAG (stuff we all get) items  galing sa FRIENDS at galing sa UC  sa mga panalo.

Leave a Reply

Your email address will not be published. Required fields are marked *